Sunday, May 14, 2006

backwards

“naglakad” ako pabalik
binalikan ko lahat ng pinaggalingan natin
halo –halong emosyon ang aking naramdaman
daming bagay kung nakita
na di ko napansin nung tayoy papunta

“naglakad” ako pabalik
sa ibang parte ng ating dinaanan
bakit bakas lang ng aking paa ang tangi kong nakita?
di ko alam kung yung sa iyoy natabunan na


“naglakad” ako pabalik
at ngayon naiintindihan ko na
sa karamihan ng pagkakataon,
ako lang pala ang naglalakad mag-isa
di ko yun napansin, di ko yun nakita

0 Comments:

Post a Comment

<< Home