Peksman Nagsisinungaling ako ni Eros S. Atalia
"naglalaro na sa isip ko ang pagbabago ng aking buhay ngayong may trabaho na ako. kahit papano, mararanasan ko na ang buhay ng isang makabagong tao. ang makaranas at makalasap ng buhay may kayod. yun bang hindi na nakakahiyang umuwi nang madaling araw, magdala ng barkada sa bahay at magdiwang ng kahit anong okasyon, bumagon ng tanghali pag walang pasok, makapag-request ng ulam, ng mabango at plantsadong damit, nang maligo nang kahit ilang ulit maghapon, nang hndi magaalangang magbabad sa harap ng tv, computer o alugin ang tutule sa kakapakinig sa radyo. pwede na akong magreklamo sa baku-bakong kalsada, buhol buhol na trapiko, tiwaling politiko at tatamad tamad na empleyado ng gobyerno. may ambag na ako sa ekonomiya ng bansa"
napakahusay ng libro na ito. habang sinagawa ku ang blog na ito, naka ika 91 na pahina na ako ng 174 pages. nakakatuwang basahin. makatotohanan.
balik sa pagbabasa.